Matagumpay na naisagawa ang 5th Principal’s Cup ng University of Batangas na ginanap sa Carmelo Q. Quizon Gymnasium nitong Martes ng umaga Abril 2, 2024.
Pinangunahan ang programa ni University President na si Marlene Hernandez-Bohn, na kanyang malugod na tinanggap ang lahat ng dumalo sa pagsisimula ng 5th Principal’s Cup.
Sinimulan ang seremonya sa pamamagitan ng isang panalangin ni Gng. Jessa C. Ramos, HS Choir Adviser, na sinundan ng pag-awit ng Philippine National Anthem na Lupang Hinirang.
Sinalubong naman ng enerhiya ng UB Pep Squad sa kanilang naging performance ang mga dumalo para sa kanilang Opening Number.
Mahalagang mensahe naman ang ipinaabot nina Dr. Aurora P. Tolentino, ang Vice President for Academic Affairs, at Dr. Augusto C. Africa, ang Basic Education Director, na nagbigay-diin sa halaga ng dedikasyon at pagkakaisa sa buong komunidad ng paaralan.
Nagbigay rin ng Special Number ang rising music artist mula sa Batangas na si Bob Marlon, isang alumni ng UBHS Batch 2001, bago ipakita ang pagbubukas at pag-angat ng bandila ng Principal’s Cup at ang mga bandila ng bawat koponan, na pinangunahan ng JHS Administrators at Team Managers.
Matapos ito, sinimulan naman ni Axel Matthew C. Camacho na nagmula sa Grade 10- B.Franklin ang Lighting of Torch na sumisimbolo ng kapayapaan at pagkakaisa, sinundan agad ito ng Oath of Amateurism o panunumpa ni Lance C. Caubong mula sa Grade 7-Euclid.
Sa huling bahagi ng seremonya, inihayag ni Dr. Hilaria A. Guico, ang Prinsipal ng UBBC JHS, ang pormal na pagsisimula ng 5th Principal’s Cup ng University of Batangas.
Sa ganitong paraan, nagbukas ang 5th Principal’s Cup sa masiglang pagtanggap at pagsalubong ng mga kalahok, na puno ng determinasyon at pag-asa para sa mga magaaral.