Nasaksihan ang mapupula at kulay kahel na langit sa Benghazi at Derna, mga lungsod sa hilagang Libya, Africa, sa baybayin ng Mediterranean Sea, nitong Martes, ika-23 ng Abril.
Ayon sa The Libya Observer, ang nasaksihan na apocalyptic orange at mapupulang langit ay dulot ng dust storm na nagpabago sa kulay ng langit.
Bukod dito, napansin din ang pagbabago ng kulay ng langit sa timog ng Greece kung saan matatagpuan ang Athens.
Ang malalakas na hangin mula sa timog ang nagdala ng alikabok mula sa Sahara Desert, na nagbigay ng Martian-like na filter sa atmospera ng Greek capital sa huling mga oras ng liwanag. | J.A. Idanan, B.Channel News | 📸 AFP Photo/REUTERS