fbpx

IRR ng ‘Kabalikat sa Pagtuturo Act’ para sa mga guro, nilagdaan na ni DepEd Sec. Angara

Nilagdaan na ni DepEd Sec. Sonny Angara ang implementing rules and regulations (IRR) ng RA No. 11997 o “Kabalikat sa Pagtuturo” Act, nitong Miyerkules, Agosto, 7, 2024.

Ang IRR ay isang panukala na naglalayong pataasin ang teaching allowance ang mga DepEd public school teachers.

Sa ilalim ng batas, ang isang guro ay makakatanggap ng P5,000 na annual teaching allowance ngayong taon para magamit pambili ng teaching supplies, incidental costs, at sa iba pang learning material delivery methods. Tataas pa ang naturang halaga sa P10,000 pesos sa mga susunod na school year.

Samantala, pinasalamatan naman ni Sen. Angara ang mga dating kasamahan nito sa Sendo at House of Representative na tumulong maipasa ang panukalang pagpapataas ng teaching allowance ng mga guro.

Ayon kay Sen. Bong Revilla Jr., na siyang pangunahing may-akda at sponsor ng naturang batas, ang pag-apruba sa IRR ay ang pagtatapos ng mahabang proseso na pinagdaanan nito at ngayon ay handa nang ipatupad. | D.Rupan, BChannel News

About Author