Isang pang insidente ng pamamaril ang naganap nitong Lunes bandang alas-4:00 ng hapon, sa Barangay Matipunso, San Antonio, Quezon, sa tapat ng Fil-Am Resort.
Ayon sa pulisya, habang nagpapatrolya sa Sitio Gulugod Baboy, Barangay Matipunso, isang tawag mula sa concerned citizen ang natanggap ng duty patroller ukol sa insidente. Agad na naglatag ng checkpoint sa exit road ng barangay.
Batay sa imbestigasyon, sakay ng kanyang motorcycle ang biktimang si alyas Rancel, isang appliance technician at residente ng nasabing barangay, nang pagbabarilin siya ng di pa nakikilalang suspek sa tapat ng Fil-Am Resort.
Patuloy ang imbestigasyon ng awtoridad upang makilala ang suspek maging ang motibo at mabigyan ng hustisya ang biktima. | BChannel NEWS