Patay ang 55-anyos na babae nang pagsasaksakin ng 27-anyos na lalaki sa Siruna Village, Phase 1, Brgy. Mambugan, Antipolo City nitong Enero 23, 2025, bandang 6:30 PM.
Ang suspek, na kinilalang si “Jes,” at nakatira rin sa nasabing lugar, ay inaresto matapos ang insidente.
Base sa paunang imbestigasyon ng pulisya, nagtalo ang biktima na si alyas Susan, at ang suspek ukol sa umano’y ilegal na koneksyon sa kuryente.
Sa gitna ng galit at habang lasing, pumunta ang suspek sa bahay ng biktima, gumawa ng iskandalo, at sinipa ang pinto. Matapos maawat, naiwan ang biktima sa loob ng bahay, kung saan siya sinaksak sa dibdib gamit ang isang 12-pulgadang kutsilyo, na kalaunan ay narecover sa pinangyarihan ng krimen.
Agad na dinala ang biktima sa Hospital, ngunit idineklarang dead on arrival.
Inilipat ang kanyang labi sa punerarya para sa autopsy. Ang suspek ay isinailalim sa kustodiya ng pulisya para sa kaukulang disposisyon. | BChannel NEWS