fbpx

Matagumpay na Pagtatapos ng CCP Pasinaya sa Batangas: Puno ng Kulay, Sining, at Talento

Matagumpay na nagtapos ang huling araw at gabi ng CCP Pasinaya 2025 sa Batangas na ginanap sa Batangas Capitol nitong Linggo, Pebrero 2.

Ang kaganapan, na tumagal ng dalawang araw, ay puno ng mga makulay at natatanging pagtatanghal mula sa mga kalahok mula sa iba’t ibang lalawigan ng CALABARZON at Bicol Region.

Sa mga nakaraang araw, nasaksihan ng mga dumalo ang iba’t ibang programa na nagpakita ng kahusayan sa sining at kultura, kabilang na ang mga pagtatanghal ng mga lokal na artista at estudyante mula sa mga paaralan sa CALABARZON at Bicol Region.

Nagbigay ng makulay na pagsasalo ang mga presentasyon ng mga estudyante mula sa iba’t ibang mga paaralan sa CALABARZON at Bicol Region na nagtaglay ng iba’t ibang klase ng sining na sumasalamin sa kultura ng bawat rehiyon.

Kasabay ng CCP Pasinaya sa Manila, tinanggap ni Batangas Governor Dodo Mandanas ang isang certificate of recognition mula sa mga opisyal ng CCP bilang bahagi ng selebrasyon at pagpapahalaga sa mga kontribusyon ng Batangas at CALABARZON sa larangan ng sining at kultura.

Matapos ang mga pagtatanghal, sinundan ng isang makulay na fireworks display bilang tanda ng matagumpay na kaganapan at pagpapakita ng pagkakaisa sa pamamagitan ng sining at kultura.

Ang CCP Pasinaya ay nagbigay pagkakataon sa Batangueños at mga bisita mula sa iba’t ibang rehiyon na mas mapalawak ang kanilang kaalaman at pagpapahalaga sa sining, pati na rin sa mga natatanging talento ng mga kabataan at lokal na artista ng rehiyon. | BChannel NEWS

About Author