Isang bangkay ng lalaki ang natagpuang sa loob ng isang manhole na natatakpan ng sako sa tapat ng isang mall sa Circumferential Road, Brgy. San Roque, Antipolo City, bandang alas-6:30 ng gabi noong Abril 20, 2025.
Kinilala ang biktima na si Ronaldo, nasa hustong gulang, at residente ng Sitio Abuyod, Brgy. San Jose, Antipolo City.
Ayon sa ulat ng Antipolo Component City Police Station (CCPS), natuklasan ng saksi na si Nieta ang bangkay nang magpahinga sa kanilang nakagawiang tambayan. Laking gulat nito nang matagpuang may bangkay sa loob, na natatakpan pa ng sako.
Agad na nagtungo si Nieta sa himpilan ng pulisya upang iulat ang insidente. Pagdating ng mga imbestigador sa lugar, natagpuan nila ang bangkay ni Ronaldo sa loob ng manhole at nakabalot sa isang sako.
Humihingi na ngayon ng tulong ang Rizal Provincial Forensic Unit para sa masusing technical investigation habang nagsasagawa ng mas malalim na imbestigasyon ang mga otoridad upang matukoy ang posibleng motibo at makakuha ng karagdagang impormasyon mula sa mga saksi. | BChannel NEWS