Ipinahayag ng Philippine Statistics Authority (PSA) na nasa 5.58 milyong Filipino high school graduates ang tinuturing na “functionally illiterate” — marunong magbasa, magsulat, at magkwenta, ngunit walang sapat na pag-unawa sa binabasa.
Nilinaw ito ng PSA matapos kumalat ang mas mataas na bilang na 18.9 milyon, na ayon sa ahensya ay tumutukoy sa mga “basically literate” lamang at hindi lahat ay high school graduates.
Batay sa 2024 Functional Literacy, Education and Mass Media Survey (FLEMMS), binago rin ng PSA ang depinisyon ng “functional literacy” upang isama ang comprehension bilang pangunahing batayan.
Ayon kay Senador Sherwin Gatchalian, ang kakulangan sa functional literacy ay isa sa mga ugat ng kahirapan sa maraming lalawigan. | BChannel NEWS