Sampu na street-level drug personalities ang naaresto sa magkakahiwalay na buy-bust operations na isinagawa ng iba’t ibang yunit ng kapulisan sa lalawigan ng Batangas mula Mayo 21 hanggang madaling araw ng Huwebes, Mayo 22.
Sa Brgy. Bolbok, Batangas City, alas-5:08 ng hapon, naaresto si Jocelyn kung saan nakumpiska ang 0.90 gramo ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng ₱6,120.00. Gamit sa operasyon ang body-worn cameras at barangay opisyal.
Dakong 6:25 PM sa Brgy. Dacanlao, Calaca City, nahuli si Rhodwin matapos makumpiska ang 0.12 gramo ng shabu na may halagang ₱816.00. Gamit din sa operasyon ang ARD o Alternative Recording Device.
Sa Taal, alas-9:32 ng gabi, Brgy. Buli, naaresto si Mark at nakuha sa kanya ang 0.12 gramo ng shabu, buy-bust money at cellphone.
Alas-10:00 ng gabi naman sa Lipa City, Brgy. Balintawak, inaresto si Cris na nakuhaan ng 1.54 gramo ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng ₱10,472.00.
Sumunod na operasyon ay sa Brgy. Kumintang Ilaya, Batangas City, alas-11:22 PM, kung saan nahuli si Fredy at nakuha ang 0.30 gramo ng shabu.
Sa Bauan, bandang 12:39 AM, Mayo 22, sa Brgy. Poblacion 2, inaresto si Marcial at nasamsam ang 7 gramo ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng ₱47,600.00 sa nasabing operasyon. Ang suspek ay isang 52-anyos na mangingisda may asawa at residente ng Barangay Sto. Domingo, Bauan, Batangas.
Sa Lipa City, 1:00 AM, sa Brgy. Antipolo Del Norte, sabay na inaresto sina Reynold at Carla. Nakuha sa kanila ang 13.58 gramo ng shabu na may halagang ₱92,344.00.
Sa Sto. Tomas, sa Brgy. San Bartolome, inaresto si Romel bandang 1:00 AM, na nakuhaan ng tatlong sachet ng shabu na may bigat na 0.4 gramo.
At sa Malvar, Brgy. Poblacion, bandang 2:22 AM, inaresto si Ramoncito na nakuhaan ng 0.38 gramo ng shabu.
Lahat ng operasyon ay may kaukulang koordinasyon sa PDEA, at isinagawa sa presensya ng mga kinatawan ng media at barangay. Ang mga suspek ay nahaharap sa kasong paglabag sa Sections 5 at 11 ng Republic Act 9165 at pansamantalang nakapiit sa kani-kanilang custodial facilities. | BChannel NEWS