Inatasan na ni DOTr Secretary Vince Dizon ang LTFRB na magsampa ng kasong kriminal laban sa konduktor ng Precious Grace bus na nanakit sa isang PWD passenger—matapos itong makuhanan ng video habang kinukuryente ang biktima.
Giit ni Sec. Dizon, dapat ay pinoprotektahan ng PUV operators ang kanilang pasahero, pero malinaw na nabigo rito ang konduktor, driver, at mismong bus company.
Ayon kay LTFRB Chair Teofilo Guadiz III, nakatanggap na ng show cause order ang Precious Grace Bus Company. Sinuspinde na rin ang lisensya ng driver at ang prangkisa ng 15 nilang yunit sa EDSA Busway.
Bukod sa criminal case, kakasuhan din ang konduktor sa ilalim ng Common Carrier Act at Magna Carta for Disabled Persons. | BChannel NEWS