Pormal nang isinagawa ang inauguration at blessing ng bagong Catandala Bridge ngayong araw, June 26, 2025 — isang matagal nang hinihintay na proyekto na nagkakahalaga ng halos 600 million pesos.
Pinangunahan ang seremonya ni Ibaan Mayor Joy Salvame, kasama si 4th District Congresswoman Lianda “Siling Labuyo” Bolilia na nagsilbing susi sa pagtatapos ng proyekto.
Matapos ang ilang taon ng konstruksyon at mga hamon sa development, handang-handa na itong gamitin ng publiko. Ang 121-meter long bridge ay may lapad na 13 metro at taas na 24 metro mula sa Calumpang River. May mga sidewalks, guardrails, at viewing decks para sa kaligtasan at ginhawa ng mga motorista at pedestrian.
Inaasahang magpapabilis ito ng biyahe papasok at palabas ng Ibaan, lalo na sa mga bayan ng Rosario, Lobo, at Taysan. Bukod sa traffic decongestion, magiging tulay rin ito ng mas mabilis na access sa serbisyo at kabuhayan ng mga Batangueño.
Ayon sa mga opisyal, hindi lang ito infrastructure — kundi simbolo rin ng pagkakaisa, pag-unlad, at pag-asa ng mas maliwanag na kinabukasan para sa Batangas.
Dumalo rin sa event sina Mayor-elect Jane Casas, Vice Mayor Juvy Mendoza, Congressman-elect Caloy Bolilia, District Engineer De Jehela Roxas, at Assistant District Engineer Engr. Juan J. Panganiban, kasama ang iba pang kawani ng DPWH at LGU. | via BChannel NEWS