Ininspeksyon ni Congressman Leandro Leviste ang mga nasirang flood control projects ng DPWH sa Batangas na nasira ng mga nagdaang bagyo.
Kasama ang mga inhinyero mula sa DPWH at mga lokal na opisyal, tiningnan nila ang mga proyekto sa ilog ng Lian, Palico, Binambang, at Pansipit, na nagkakahalaga ng mahigit ₱1 bilyon.
Inutusang imbestigahan ni Pangulong Bongbong Marcos ang posibleng korapsyon sa mga proyekto ng DPWH, kaya naman nag-inspeksyon si Cong. Leandro para matukoy kung naipatayo ng tama ang mga flood control projects o kung may pagkukulang.
Kasama ring tiningnan ang mga nasirang kalsada sa Diokno Highway at iba pang bagong proyekto na agad nasira ng mga bagyo.
Bilang Vice-Chairman ng House Committee on Appropriations at Ways and Means, nagpaalala si Cong. Leandro na dapat hindi masayang ang pera ng bayan at walang korapsyon sa mga proyekto ng gobyerno. | BChannel NEWS