May patutsada si Leyte Representative Richard Gomez laban sa hindi pinangalanang City Mayor kaugnay sa mga akusasyon nito na may mga kurakot sa Kongreso.
Sa kanyang social media post, hindi pinangalanan ni Gomez ang alkalde.
Aniya, unahin muna ng mayor ayusin ang sariling lungsod bago magturo sa iba.
Giit ni Gomez, tila ginagamit ngh alkalde ang isyu ng korapsyon para makakuha ng atensyon.
Dagdag pa niya, huwag idamay ang lahat ng kongresista kung personal ang alitan sa sariling kinatawan ng distrito.
Bwelta pa ng mambabatas, mas mainam na solusyunan nito ang mga problema sa lungsod tulad ng lumalalang polusyon, basura, trapiko, at illegal structures.

 
         
         
        