Ipinag-utos ni Senadora Loren Legarda ang pagsasagawa ng mandatory drug testing para sa lahat ng kanyang kawani bilang hakbang upang itaas ang pamantayan ng serbisyo publiko.
Ayon kay Legarda, ang hakbang na ito ay upang mapanatili ang integridad at propesyonalismo sa Senado, kasunod ng mga ulat ng paggamit ng ipinagbabawal na gamot ng isang empleyado.
“The public deserves a Senate that sets an example. We act with concrete actions to uphold our role as a model of integrity and professionalism,” pahayag ni Legarda.
Ang drug test ay isasagawa sa pakikipag-ugnayan sa mga awtorisadong ahensya, alinsunod sa mga patakaran ng Civil Service Commission. Aniya, ang anumang magpositibo ay susundan ng tamang proseso at hakbang.
Bilang bahagi ng patakaran, ipinaalala ni Legarda ang pagbabawal sa paggamit ng ilegal na droga, alak, vape, paninigarilyo, at sugal sa opisina at mga ari-arian ng Senado.
“This policy will be strictly enforced to maintain a safe, healthy, and productive workplace environment and to uphold the highest standards of efficiency, integrity, and professionalism in public service,” dagdag ni Legarda. | BChannel NEWS