Patay sa pamamaril ang 41-anyos na babae matapos pagbabarilin ng dalwang lalaki sa Brgy. Looc, Calamba City, Laguna, bandang alas-12:30 ng madaling araw nitong Agosto 20, 2025.
Sa initial na imbestigasyon ng Calamba City Police Station, lumabas na habang ang biktimang si Cherry, 41-anyos, ay sakay ng isang traysikel sa Brgy. Looc, dalawang hindi kilalang suspek ang biglang lumapit at walang kalaban-laban siyang pinaputukan ng maraming beses. Agad na nasawi ang biktima dahil sa mga tama ng bala.
Matapos ang insidente, mabilis na tumakas ang mga suspek patungong Brgy. Looc. Patuloy pa ang imbestigasyon ng mga awtoridad gayundin ang motibo sa naturang krimen. | BChannel NEWS

 
         
         
        