Ipatutupad ang “no work, no pay” policy sa darating na Agosto 21, Huwebes, na idineklarang special non-working day para sa paggunita ng Ninoy Aquino Day, ayon sa Department of Labor and Employment o DOLE.
Kung hindi papasok, walang matatanggap na sahod maliban na lang kung may company policy, practice, o CBA na nagbibigay bayad sa ganitong okasyon.
Samantala, para sa mga magtatrabaho, may dagdag na 30% sa kanilang basic wage sa unang walong oras. Kapag lumampas ng walong oras, may karagdagang 30% pa sa hourly rate.
Kung papasok naman sa araw na iyon na tumapat pa sa kanilang rest day, may dagdag na 50% sa unang walong oras at extra 30% pa kung lalampas ng walong oras.
Taunang ginugunita tuwing Agosto 21 ang Ninoy Aquino Day bilang pag-alala sa pagpaslang kay dating Senador Benigno “Ninoy” Aquino Jr. | BChannel NEWS

 
         
        