Namatay ang isang drug suspect matapos ang buy-bust operation sa isang hotel sa Parañaque City noong Agosto 19, 2025, alas 10:30 ng gabi.
Sa operasyon ng mga operatiba mula sa PDEA Cavite, PDEA NCR-Southern District, at PNP-DEG, naaresto ang tatlong suspek at nasamsam ang humigit-kumulang isang kilo ng hinihinalang shabu.
Habang isinasagawa ang pag-aresto, nakipaglaban ang isa sa mga suspek at tinangkang saksakin ang isang operatiba.
Nang maagaw ang kutsilyo, nahirapan huminga ang suspek at nawalan ng malay. Inilapit siya sa ospital, ngunit pumanaw dahil sa heart attack. Siya ay nakilalang si Stephen, 49, residente ng Makati.
Ang dalawang iba pang suspek ay nakilalang si Mohamad, isang 32-taong-gulang na German-Syrian national, at Mikhaela, 24, parehong walang trabaho at residente ng Makati at Quezon City.
Nasamsam mula sa kanila ang shabu, buy-bust money, at isang glass tooter pipe.
Ang mga nahuling suspek ay haharap sa mga kasong paglabag sa RA 9165. Sila ay kasalukuyang nakakulong sa PDEA Regional Office 4A sa Santa Rosa City, Laguna. | BChannel NEWS