Nagsagawa ng kauna-unahang multiple organ donation at retrieval ang Eastern Visayas Medical Center (EVMC) noong Agosto 19, sa isang lalaking itinuturing na brain dead.
Kinilala ito bilang si John Evan Almejas, kung saan ang kanyang mga organ—liver, kidney, at cornea—ay ipinaabot sa mga pasyenteng matagal nang naghihintay ng transplant.
Ayon kay Dr. Frances Marie Roa-Lingad ng EVMC, ang kabutihang-loob ng pamilya ng pasyente, sa kabila ng matinding kalungkutan, ay magbibigay ng bagong pag-asa at buhay sa mga may malubhang sakit sa kidney, atay, at corneal blindness.
Ang operasyon ay isinagawa ng mga surgeon mula sa EVMC at National Kidney Transplant Institute.
Tinutukoy ng EVMC na ito ay isang malaking hakbang para sa rehiyon ng Eastern Visayas at umaasa silang mas marami pang tao ang magpapahalaga sa kahalagahan ng organ donation para sa kaligtasan ng iba. | BChannel NEWS