Isang 34-anyos na tricycle driver ang inaresto matapos saksakin ang isang security guard sa Barangay San Vicente, Sto. Tomas, Batangas, noong August 20, bandang alas 6:15 ng hapon.
Ayon sa imbestigasyon ng Sto Tomas Police Station, nagkaroon umano ng mainit na argumento ang suspek na si Kenneth at ang biktimang si Gerardo, 43, security guard.
Sa gitna ng pagtatalo, tinamaan ang suspek sa kanyang mukha, kaya’t kumuha ito ng kutsilyo mula sa kanyang tricycle at sinaksak ang biktima sa kaliwang kamay.
Agad dinala sa ospital ang biktima habang nahuli si Kenneth ng mga pulis.
Kasalukuyan nang inihahanda ang kasong kriminal laban kay Kenneth na isasampa sa City Prosecutor’s Office ng Sto. Tomas. Inaalam na rin ang puno’t dulo ng kanilang awayan. | BChannel NEWS