Nagpahayag si Vice President Sara Duterte na ninais umano ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na manatili siya bilang Department of Education (DepEd) Secretary, taliwas sa mga paratang na siya’y “failure” sa posisyon.
Ayon kay VP Sara, sa isang interview sa The Hague, Netherlands, sinabi niyang maraming beses siyang pinakiusapan ng Pangulo na huwag magbitiw at magpatuloy sa kanyang tungkulin.
Dagdag pa ni VP Sara, tinanong siya ng Pangulo kung gusto niyang lumipat sa ibang posisyon at magtulungan sa Midterm Elections ng 2025.
Matapos ang mga pahayag na ito, ipinaliwanag ni VP Sara na hindi ito mga hakbang ng isang taong tinitingnan siya bilang failure, kundi ng isang taong kailangan ang kanyang serbisyo.
Samantala, pinuna ni Palace Press Officer Atty. Claire Castro ang naging pahayag ni VP Sara at tinawag siyang “complete failure,” habang dinepensahan naman ni VP Duterte ang kanyang opinyon bilang bahagi ng kalayaan sa pagpapahayag.