Isang 16-anyos na estudyante ang nahulihan ng hinihinalang shabu at isang patalim sa loob ng Parañaque National High School nitong Agosto 19, ayon sa ulat ng Southern Police District.
Rumesponde si Police Senior Master Sergeant Michael Loneza matapos makatanggap ng impormasyon mula sa principal ng paaralan tungkol sa estudyanteng may dalang ipinagbabawal na bagay.
Sa tulong ng guidance counselor at mga school official, natagpuan ang sampung sachet ng shabu, may bigat na 30 gramo at halaga na P204,000, pati na rin ang isang kitchen knife.
Dahil menor de edad ang estudyante, itinuturing itong rescue operation para sa kanyang proteksyon laban sa droga.
Ang estudyante ay nasa protective custody, at ang shabu at patalim ay isinailalim sa forensic examination.
Pinuri ni SPD Acting District Director PBGen Randy Y. Arceo ang mabilis na aksyon ng Parañaque Police at ang kolaborasyon ng paaralan at pulisya upang maprotektahan ang mga estudyante. | BChannel NEWS

 
         
         
        