Nagkaroon ng pagtaas sa presensya ng mga barko ng China sa Ayungin Shoal ayon sa Maritime Domain Awareness (MDA) monitoring ng Armed Forces of the Philippines (AFP) noong Agosto 20.
Ayon sa AFP, nakita ang mga barko ng China Coast Guard na nagsasagawa ng mga maneuvers at drills gamit ang water cannons, pati na rin ang mga maliliit na barko tulad ng RHIBs at fast boats na ipinadala sa loob ng shoal. Ilan sa mga fast boats ay may mga nakamounted na heavy weapons.
Sa kabuuan, limang (5) China Coast Guard vessels, labing-isang (11) RHIBs/fast boats, at siyam (9) na Chinese maritime militia vessels ang naobserbahan. Kasama rin sa monitoring ang isang rotary aircraft at isang UAV.
Patuloy ang AFP sa pagmamanman ng mga kaganapan sa West Philippine Sea upang tiyakin ang proteksyon ng ating soberanya at ang kaligtasan ng mga tropang nakatalaga sa nasabing lugar.

 
         
         
        