Pinawalang-sala ng Sandiganbayan sina dating Vice President Jejomar Binay at anak na si dating Makati Mayor Junjun Binay sa mga kasong graft, falsification, at malversation ng public funds kaugnay ng kontrobersyal na P2.2 bilyong Makati City Parking Building project.
Ayon sa Third Division ng Sandiganbayan, hindi napatunayan ng prosekusyon ang kasalanan ng mga Binay “beyond reasonable doubt,” kaya’t sila ay napawalang-sala.
Kasama sa desisyon ang pag-alis ng Hold Departure Order laban sa kanila at iba pang akusado.
Hindi rin sila pinatawan ng civil liability dahil sa kakulangan ng sapat na ebidensya.
Ang mga kasong ito ay isinampa noong 2016, matapos magtapos ang termino ni Binay bilang pangalawang pangulo ng bansa. | BChannel NEWS

 
         
        