Natagpuan ang bangkay ng isang 36-anyos na babae sa Plaza Miranda, Barangay San Roque, Naic, Cavite, Alas-otso pasado ng umaga, September 3.
Ayon sa imbestigasyon ng Naic Police Station, natuklasan ang biktima na si Charmile, isang PWD, sa loob ng kuwarto ng kanyang ina, wala nang buhay, may sugat sa panga, at nakababa ang kanyang saplot pang-ibaba.
Huling nakita ang biktima na buhay nang ihatid ang kanyang kapatid bago mag-umaga.
Pagbalik sa bahay, tumambad na ang karumal-dumal na sinapit ng biktima —may dugo sa mukha at sa pader ng kanilang bahay.
Agad na rumesponde ang mga pulis para sa crime scene, at nakipag-ugnayan sa SOCO para sa masusing imbestigasyon. Sa ngayon, inaalam pa kung sino ang nasa likod ng krimen. | BChannel news