Itinanggi ng Department of Public Works and Highways Metro Manila 3rd District Engineering Office ang kumakalat na balita online na tinapyasan ang halaga ng road at drainage rehabilitation project sa Valenzuela City.
Sa mga larawang nag-viral, makikita ang project signboard na may halagang P48.5 milyon, na nagdulot ng isyu ng overpricing.
Pero paglilinaw ng DPWH sa opisina ni Valenzuela 1st District Representative Kenneth Gatchalian, ang tunay na halaga ng kontrata para sa Kaypandan Street sa Barangay Canumay West ay P28.8 milyon lamang.

Giit ng ahensya, clerical error lamang ang maling detalye sa billboard at agad itong itatama.
Sa ngayon, nanindigan ang DPWH na ang ipinatutupad na halaga ay ang mas mababang P28.8 milyon. | BChannel News