Nasa 3 volcanic earthquakes ang naitala sa Taal Volcano sa Batangas kabilang ang nagpapatuloy na volcanic tremor na nagsimula kahapon, September 26, alas-12:08 ng tanghali.
Ayon sa Phivolcs, nasa 1,363 tonelada kada araw ang naitalang sulfur dioxide emission nitong September 24.
Nakita rin ang katamtamang pagsingaw ng abo at usok na umabot sa 500 metro ang taas at tinangay ng hangin patungong timog-kanluran.
Nananatili sa Alert Level 1 ang Taal Volcano kaya’t pinaaalalahanan ang publiko na iwasan ang pagpasok sa permanent danger zone. | BChannel news | 📸 CSSE CCTV