Narekober ng Philippine Coast Guard ang hinihinalang rocket debris na natagpuan ng isang mangingisda malapit sa Brgy. Funda Bisucay Island sa Cuyo, Palawan.
Ayon sa PCG, posibleng konektado ang naturang debris sa Long March rocket ng China na inilunsad noong Setyembre 16.
Agad na iniulat ni Brgy. Captain Alena Lagan Macaslin ang insidente at nakipag-ugnayan sa Coast Guard Station Eastern Palawan para masiguro ang kaligtasan ng publiko.
Dinala na ang debris sa Coast Guard District Palawan at ipapasa sa Philippine Space Agency para sa masusing pagsusuri.
Nanawagan si Commodore Neil Azcuna sa mga Palaweño na huwag basta hawakan ang mga ganitong materyales at agad ipagbigay-alam sa PCG o mga opisyal ng barangay para sa kaligtasan ng lahat. | BChannel news