Nakahanda na ang Power system operator at transmission service provider na NGCP laban sa posibleng epekto ng Tropical Storm Paolo.
Ayon sa NGCP, nakalatag na ang kanilang Integrated Disaster Action Plan para matiyak ang tuloy-tuloy na serbisyo ng kuryente.
Kasama rito ang pag-check sa lahat ng communication equipment, paghahanda ng mga materyales at suplay para sa agarang pagkukumpuni, at paglalagay ng mga line crew sa strategic areas para mabilis ang restoration kung sakali mang magkaroon ng pinsala.
Layunin ng NGCP na mabawasan ang abala at mapanatili ang maayos na transmission operations habang dumaraan si bagyong Paolo.
Ayon sa PAGASA, inaasahan na posibleng maging Severe Tropical Storm si Paolo at mag-landfall sa pagitan ng Isabela o hilagang Aurora pagsapit ng Biyernes.
Huling namataan ang sentro ni Paolo nitong Huwebes, October 2 sa layong 575 kilometro silangan ng Infanta, Quezon. Taglay nito ang lakas ng hanging aabot sa 75 kilometers per hour malapit sa gitna at bugso hanggang 90 kilometers per hour. Kumikilos ito pa-kanluran hilagang-kanluran sa bilis na 20 kilometers per hour. | BChannel news