Inaprubahan ng Hong Kong at Taiwan ang wage increase para sa kanilang mga manggagawa.
Sa Taiwan, itinaas ang minimum wage ng foreign workers sa 29,500 New Taiwan dollars o halos P56,000 kada buwan simula January 2026.
Sa Hong Kong naman, tumaas ang sahod ng domestic workers mula 4,849 HKD hanggang 5,100 HKD o mga P38,000.
Ayon kay Migrant Workers Secretary Hans Leo Cacdac, malaking tagumpay ito para sa OFWs at titiyakin ng DMW na mapapakinabangan ng mga manggagawa ang dagdag-sahod.
Binanggit din niya ang mga reporma tulad ng mandatory na “know your employer” video call bago deployment, digital monitoring sa pamamagitan ng “Kamusta Kabayan,” at taunang medical check-up.
Dagdag pa ni Cacdac, mahalaga ang patas na sahod para masuportahan ng OFWs ang kanilang pamilya, alinsunod sa direktiba ni Pangulong Marcos na palakasin ang karapatan at welfare ng ating mga kababayan sa ibang bansa. | BChannel news