Naaresto ng mga pulis ang isang lalaki matapos umano’y magpaputok ng improvised firearm sa harap ng kanyang bahay sa Brgy. Mataas na Lupa, Lipa City, Batangas pasado alas-6 ng gabi nitong Oktubre 7, 2025.
Ayon sa imbestigasyon ng Lipa City Component Police Station, abala noon sa pag-aayos ng kanyang tricycle sa gilid ng kalsada ang testigo na si Ronito nang biglang magpaputok ng baril ang suspek na si Antonio, 65-anyos, residente rin ng naturang lugar.
Agad na ipinagbigay-alam ng saksi ang pangyayari sa mga opisyal ng barangay, na siya namang tumawag sa Lipa City Police para humingi ng tulong.
Sa mabilis na aksyon ng mga pulis, naaresto ang suspek at narekober mula sa kanya ang isang improvised firearm na may isang basyong bala ng .38 caliber sa loob ng silindro.
Nahaharap ngayon si Antonio sa kasong paglabag sa Republic Act 11926 o Discharge of Firearm, at Republic Act 10591 o Comprehensive Firearms and Ammunition Law. | BChannel news | 📸 Lipa City Police Station