Sa loob lang ng tatlong linggo, bumagsak ng halos P1.7 trillion ang halaga ng Philippine stock market.
Ayon sa Securities and Exchange Commission o SEC Chair Francis Lim, ito ay dahil sa pagbagsak ng tiwala ng mga investors bunsod ng mga isyung may kinalaman sa korapsyon.
Sa isang public forum, binigyang-diin ni Lim ang flood control scandal bilang halimbawa ng kung paano kayang pabagsakin ng katiwalian ang kumpiyansa ng merkado.
Paliwanag nito na hindi dahil mahina ang ekonomiya kaya umaalis ang mga investors, kundi dahil mahina ang integridad.
Dagdag pa niya, ang sitwasyong ito ay nagdulot ng “crisis of confidence” sa merkado. Maraming kumpanya ang nag-aatubiling magpa-lista o nagdedesisyong umalis na lang sa stock exchange dahil sa kawalan ng tiwala.
Kaya naman, target ngayon ng SEC na ibalik ang tiwala sa merkado sa pamamagitan ng mga repormang magpapadali at magpapalinaw sa operasyon ng capital market. | BChannel news