Arestado ang tatlong lalaki sa isinagawang operasyon ng CIDG Batangas pasado alas-11 ng gabi, October 6, sa isang gasolinahan sa Balete Road sa Barangay Balagtas, Batangas City.
Sa ulat ng CIDG Regional Field Unit 4A Special Operations Team kasama ang CIDG Batangas Provincial Field Unit at lokal na pulisya, nasamsam mula sa mga suspek ang dalawang fuel tanker na may lamang mahigit 26,000 liters ng diesel, 10,000 liters ng unleaded, at 4,000 liters ng premium fuel — na tinatayang nagkakahalaga ng higit siyam na milyong piso.
Kinilala ng mga awtoridad ang tatlong suspek na sina Ed, Sam at Sid na nasa tamang edad.
Nahaharap ngayon ang mga suspek sa kasong paglabag sa Presidential Decree 1865 o ang illegal trading at distribution ng petroleum products, na mas kilala sa tawag na “paihi.” | BChannel news | 📸 PNP-CIDG