Ibinasura na ng Batangas Regional Trial Court ang kasong kidnapping at serious illegal detention laban kay dismissed Police Major Allan De Castro at sa kanyang aide na si Jeffrey Magpantay.
Ang kaso ay may kaugnayan sa pagkawala ng Miss Grand Philippines 2023 candidate na si Catherine Manguerra Camilon noong October 12, 2023.
Sa anim na pahinang resolusyon na pirmado ni Judge Jacqueline Palmes ng RTC Branch 3, Batangas City, nitong October 7, 2025 — kinatigan ng korte ang demurrer of evidence na inihain ng kampo nina De Castro at Magpantay.
Ayon sa korte, kulang umano ang mga ebidensiya at testimonya para mapatunayang guilty ang dalawang akusado.
Matatandaang umatras ang isang testigo sa kaso matapos umanong makatanggap ng mga pagbabanta sa buhay.
Ang naturang testigo ay kaibigan mismo ni beauty queen Catherine, na hanggang ngayon ay nananatiling nawawala matapos mapa-ulat sa Batangas noong October 2023.
Sa kabila ng pagkakabasura ng kaso, may nakatakda pa ring pagdinig sa November 11 para talakayin ang ilang natitirang isyu kaugnay ng kaso.
Para sa mga kamaganak at tagasuporta ni Catherine Camilon, patuloy pa rin ang kanilang panawagan ng hustisya at katotohanan sa pagkawala ng beauty queen.| BChannel news