Normal na muli ang operasyon ng transmission services sa buong Visayas Grid matapos makumpleto ng National Grid Corporation of the Philippines o NGCP ang kanilang mga restoration efforts kasunod ng magnitude 6.9 na lindol sa Cebu.
Ayon sa NGCP, na-energize na ang Daanbantayan–Tabango 230kV Line 2 na nagdurugtong sa Cebu at Leyte. Mahigit 60 personnel ang agad ipinadala para sa pagkukumpuni ng mga nasirang pasilidad, kabilang ang Daanbantayan Substation na malapit sa epicenter ng lindol.
Naibalik ang suplay ng kuryente sa Visayas noong ika-1 ng Oktubre, habang nagpapatuloy ang pagkukumpuni sa iba pang linya. Noong ika-7 ng Oktubre, na-energize na rin ang Compostela-Daanbantayan 230kV Line 1.
Tiniyak ng NGCP na patuloy ang kanilang trabaho upang mapanatiling matatag at maayos ang operasyon ng power grid sa Visayas, habang nananatiling alerto dahil sa mga aftershock. | BChannel news