Nanatili sa 2.4 percent ang inflation rate ng CALABARZON nitong Setyembre 2025, ayon kay Philippine Statistics Authority (PSA) CALABARZON Regional Director Charito Armonia sa isang online press conference nitong Oktubre 15.
Mas mataas ito ng 0.6 percentage point kumpara sa 1.8 percent inflation noong Agosto 2024. Mula Enero hanggang Setyembre ngayong taon, nasa 2.1 percent ang average inflation.
Ayon sa PSA, pangunahing dahilan ng pagtaas ng presyo ay ang Food and Non-Alcoholic Beverages na may 2.9 percent inflation, sinundan ng Housing, Water, Electricity, Gas and Other Fuels at Restaurants and Accommodation Services.
Samantala, bumagal naman ang pagtaas ng presyo ng ilang produkto gaya ng karne, isda, at gatas, habang nanatiling mababa ang presyo ng bigas at prutas.
Sa mga probinsya, tumaas nang bahagya ang inflation sa Rizal, habang bumaba naman sa Batangas, Laguna, at Quezon. Nanatiling 3.0 percent ang inflation sa Cavite.
Ang purchasing power ng piso sa rehiyon ay nasa ₱0.77, base sa halaga nito noong 2018. | BChannel news