Arestado ang isang lalaki matapos madiskubre na may outstanding warrant of arrest laban sa kanya habang kumukuha ng PNP Clearance sa Police Station sa Barangay Mabalanoy sa San Juan, Batangas nitong October 15, 2025.
Kinilala ang suspek bilang si Rod, 41 anyos, food attendant, at residente ng Barangay Pulangbato, San Juan, Batangas.
Nahuli siya matapos mag-flag ang kanyang pangalan sa National Police Clearance System.
Sa beripikasyon ng mga operatiba ng San Juan MPS sa E-warrant system, lumabas na may bisa itong warrant of arrest para sa kasong Qualified Theft, na inisyu pa noong June 17, 2010 ng Branch 87, Regional Trial Court ng Rosario, Batangas, na may piyansang ₱44,000.
Agad siyang inaresto at ipinaalam ang kanyang mga karapatang konstitusyonal. | BChannel news