Pitong katao ang kumpirmadong nasawi habang dalawa naman ang nawawala dahil sa pananalasa ng Bagyong Ramil, ayon sa ulat ng National Disaster Risk Reduction and Management Council o NDRRMC nitong Lunes. October 20.
Sa pinakahuling datos ng ahensya, lima sa mga nasawi ay mula sa Calabarzon habang dalawa naman ay mula sa Western Visayas. Ang dalawang nawawala ay kapwa mula rin sa Western Visayas, at may isa namang sugatan mula sa Calabarzon.
Ayon sa NDRRMC, pansamantala pa ang mga bilang na ito at kasalukuyang bineberipika.
Tinatayang mahigit 37,000 pamilya o 133,000 katao ang naapektuhan sa Cagayan Valley, Central Luzon, Western Visayas at Eastern Visayas matapos manalasa ang bagyo sa Luzon at Visayas nitong weekend.
Mahigit 2,200 pamilya ang kasalukuyang nasa 166 evacuation centers, habang may 1,700 pamilya pa ang tinutulungan sa labas ng mga evacuation site.
Sa tala ng NDRRMC, 68 bahay ang napinsala sa Western Visayas — 57 partially damaged at 11 totally damaged. | BChannel news