Nangako si Public Works Secretary Vince Dizon na malawakang reporma at hindi depensa ang kanyang gagawin sa Department of Public Works and Highways o DPWH, alinsunod sa direktiba ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.
Ayon kay Dizon, malinaw ang utos ng Pangulo — linisin ang DPWH mula itaas hanggang ibaba, panagutin ang mga sangkot sa anomalya, at siguraduhing mapakinabangan ng taumbayan ang bawat proyekto ng gobyerno.
Sa pagdinig ng Senate Appropriations Committee, binigyang-diin ni Dizon na binawasan ng mahigit ₱255 billion ang budget ng DPWH para sa 2026, matapos alisin ang mga duplicate at red-flagged projects.
Dagdag pa niya, bukas ang ahensya sa tulong at rekomendasyon ng Senado sa pagpapatupad ng mga reporma.
Nagpasalamat din si Dizon sa mga senador, na tinawag niyang “bastion of reform” at kakampi ng mga Pilipino sa laban kontra korapsyon.