Natagpuang walang buhay sa loob ng kanyang tinutuluyang barracks ang isang lalaki sa Brgy. Calansayan, San Jose Batangas nitong umaga ng Lunes, October 20, 2025.
Ayon sa report ng San Jose Municipal Police Station, pasado alas-5:30 ng umaga nang madiskubre ni Virgilio, 51 anyos, ang bangkay ng lalaki na kinilalang si Edward, nakahandusay sa kanyang kama sa loob ng barracks ng poultry farm.
Base sa pahayag ni Virgilio, napansin niyang hindi pa lumalabas si Edward kaya pinuntahan niya ito at doon niya natagpuang wala nang buhay.
Ayon sa pulisya, kilala umano ang biktima sa pagiging mahilig uminom ng mga energy drinks, at pinaniniwalaang posibleng nagdulot ito ng Sudden Unexplained Nocturnal Death Syndrome o SUNDS, isang bihirang kondisyon na nagdudulot ng biglaang pagkamatay habang natutulog.
Sa ngayon, patuloy ang imbestigasyon ng San Jose MPS.
Nakikipag-ugnayan na rin sila sa pamilya ng biktima na residente ng Casiguran, Sorsogon.
Samantala, humiling din ang pulisya ng tulong mula sa Batangas Provincial Forensic Unit upang magsagawa ng technical examination sa insidente. | BChannel news