Isang karumal-dumal na krimen ang nadiskubre sa bayan ng Taytay, Rizal nitong Miyerkules ng umaga, October 22, 2025.
Ayon sa Taytay Municipal Police Station, pasado alas-7:30 ng umaga nang madiskubre ang bangkay ng biktimang si Rosie sa loob ng kanyang bahay sa Barangay San Isidro.
Batay sa imbestigasyon, ang suspek na kinilalang si Marites, na umano’y tagapag-alaga o caregiver ng biktima, ay nakatira rin sa parehong bahay. Nang pasukin ng saksi ang silid ng biktima, tumambad dito ang nakahandusay na katawan ni Rosie na duguan at wala nang buhay.
Matapos ang insidente, napag-alamang tumakas ang suspek at kasalukuyan pa ring pinaghahanap ng mga awtoridad. Patuloy naman ang masusing imbestigasyon ng Taytay MPS upang matukoy ang motibo at kung saan nagtago ang suspek. | BChannel news