Arestado ang isang negosyanteng kinilalang si Tino, 39-anyos, matapos umanong pagbantaan ng baril ang dalawang kabataan sa Brgy. Calzada, Balayan, Batangas noong Oktubre 30, 2025.
Base sa ulat ng Balayan Municipal Police Station, lumapit sa Police Assistance Desk malapit sa public cemetery ang mga biktimang sina Mike at Joseph, kapwa 18-anyos, para ireklamo ang ginawang pagbabanta ng suspek.
Agad na rumesponde ang mga pulis at natunton si Tino ilang minuto lang matapos ang insidente.
Nang inspeksyunin ang dala nitong sling bag, nakuha ang isang caliber .45 pistol na may bala at walang serial number.
Kasong Grave Threat at paglabag sa Republic Act 10591 ang isasampa laban sa suspek.

 
         
         
        