Lumagda sa isang Memorandum of Agreement ang Department of Public Works and Highways at Philippine Space Agency sa DPWH Central Office nitong Nobyembre 3.
Pinangunahan ito nina Secretary Vince Dizon at PhilSA OIC Dr. Gay Jane Perez.
Layunin ng kasunduan na gamitin ang satellite technology ng PhilSA para mapalakas ang transparency at monitoring ng mga proyekto ng DPWH.
Ayon kay Secretary Dizon, malaking tulong ito para matigil ang katiwalian sa ahensya.
Gamit ang Artificial Intelligence at geospatial analytics, tutulungan ng PhilSA ang DPWH sa pag-validate ng mga proyekto at paggamit ng pondo nang tama.
Kasabay nito, inanunsyo ni Dizon na magsasampa ang DPWH ng mga kaso laban sa mga tiwaling kontratista sa loob ng linggong ito.
Tiniyak din niya na tuloy ang internal reforms sa ahensya, na magpapalakas ng transparency at makakatipid ng humigit-kumulang 60 bilyong piso sa 2026 budget — pondong magagamit para sa karagdagang mahigit 2,000 kilometro ng mga bagong kalsada sa buong bansa.
Ani Dizon, “Hindi tayo hihinto hanggang sa managot ang mga dapat managot. Tutulungan tayo ng PhilSA para matiyak na hindi na maulit ang mga iregularidad ng nakaraang mga taon.”