Inanunsyo ng Pangulo na magkakaroon ng special o non-working days ang tatlong bayan sa Batangas para sa kanilang Founding Anniversary ngayong buwan ng Disyembre.
Ang Munisipyo ng San Jose ay idineklara na special non-working day sa Huwebes, 11 Disyembre 2025.
Kasunod nito, ang Munisipyo ng San Juan naman ay magkakaroon ng special non-working day sa Biyernes, 12 Disyembre 2025, para mabigyan ang mga residente ng pagkakataon na makiisa sa pagdiriwang at mga seremonyas.
Hindi rin papalampasin ang Munisipyo ng Malvar na idineklara ring special non-working day sa Martes, 16 Disyembre 2025.
Ayon sa Malacañang, layunin ng mga deklarasyon na mabigyan ng sapat na oras at pagkakataon ang mga mamamayan na makibahagi sa kanilang selebrasyon ng kasaysayan at pagkakatatag ng kanilang mga bayan.
Ang mga proclamations na ito ay pinirmahan ni Executive Secretary Lucas P. Bersamin sa ngalan ng Pangulo, Ferdinand R. Marcos, Jr., noong ika-7 ng Nobyembre 2025.