Nasabat ng mga pulis Taytay ang mahigit P374,000 halaga ng hinihinalang shabu sa ikinasang operasyon laban sa iligal na droga at sugal sa Barangay San Juan, Taytay, Rizal, pasado alas-10 ng gabi noong Nobyembre 12.
Arestado ang apat na suspek na sina Jandi, Darryl, Jeff, at Owen, matapos maaktuhang nagsusugal habang may dalang droga. Nakuha sa kanila ang 55 gramo ng shabu, mga dice at bet money na ginamit sa sugal.
Kasalukuyan silang nakakulong sa Taytay MPS habang inihahanda ang kaso sa paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act at PD 1602 laban sa illegal gambling. | BChannel news