Sa isang press conference nitong Huwebes, sinabi ni Pangulong Bongbong Marcos na hindi pa maaaring ikansela ng gobyerno ang passport ni dating kongresista Zaldy Co dahil hindi pa siya nasasampahan ng kaso.
Ayon sa Pangulo, kailangan munang may pormal na kaso bago maipabatid ang dahilan para sa pagkansela ng passport.
“Hindi pa nasampahan ng kaso. Kaya’t hindi pa maihihiling ang pagkansela ng kanyang passport,” ani Marcos.
Idinagdag niya na kapag may pormal nang kaso, agad itong kikilos para kanselahin ang passport ni Co.
Si Co ay isa sa mga mambabatas na naiuugnay sa anomalya sa flood control. Ayon sa kanyang abogado, natatakot siyang bumalik sa Pilipinas dahil sa seryoso at kapani-paniwalang banta sa kanyang buhay.
Tinanong din kung siya ba ang pinaka-salarin sa flood control issue, ngunit iginiit ng Pangulo na hayaan munang gumana ang due process at huwag manghuhusga nang maaga.