Nagsagawa ang Philippine Croc, katuwang ang mga lokal na opisyal at residente ng Barangay Canipaan, Rizal, Palawan, ng crocodile nest survey sa Canipaan River nitong Nobyembre 13, 2025.
Natagpuan nila ang ilang pugad ng buwaya na may lamang itlog at bagong pisang hatchlings, patunay na aktibo ang mga saltwater crocodile sa lugar.
Matagal nang kilala ang Barangay Canipaan bilang natural na tirahan ng mga buwaya kaya’t regular ang monitoring, awareness campaigns, at habitat protection dito.
Ayon sa Philippine Croc, layunin ng survey na tukuyin ang bilang at kondisyon ng mga pugad at kaligtasan ng hatchlings para matulungan ang lokal na pamahalaan sa pagpapatupad ng tamang conservation measures, at mapanatili ang balanse sa pagitan ng tao at kalikasan.