Sinabi nitong Huwebes na inaasahan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na magkakaroon ng mga arrests sa multibillion-peso flood control fund scam bago ang Pasko, halos apat na buwan matapos niyang ilantad ang scheme sa kanyang 2025 SONA.
Sa isang press briefing sa Palasyo, sinabi ng Pangulo, “Bago mag-Pasko, marami sa napangalanan dito, buo na ‘yung kaso nila. Makukulong na sila, wala silang Merry Christmas.”
Ang Office of the Ombudsman ay naghain na ng maraming graft at malversation cases laban sa ilang opisyal ng DPWH at contractors dahil sa ghost projects, overpricing, at bid rigging sa flood control programs sa Central Luzon, Northern Luzon, at Mindanao.
Unang nailahad ang mga kaso noong Setyembre 8 laban sa mga dating opisyal ng Bulacan 1st District Engineering Office at ilang private contractors. Sinundan ito ng blacklisting ng Department of Budget and Management sa siyam na kumpanya na konektado sa mga ito, kasama na ang St. Gerrard Construction at Alpha & Omega.
Ayon kay Marcos, may 37 pang kaso na nairefer sa Ombudsman mula sa Independent Commission for Infrastructure, kabilang na ang mga lumang DPWH executives, lawmakers, at malalaking contractors. Nag-file rin ang Philippine Competition Commission ng 12 bid-rigging cases, na may posibleng penalty na P3 hanggang 5 billion, at nakatakdang public auction sa Nobyembre 20.
Kasama rin sa crackdown ang PRC na nagsampa ng referrals laban sa 16 engineers at technical professionals dahil sa falsified project designs, at BIR na naghain ng P8.86 billion tax evasion cases laban sa 89 contractors at ilang DPWH at COA officials.
Pinaliwanag ni Marcos na nasa stage na ng pagsasagawa ng “airtight cases” ang mga imbestigasyon.“You don’t file cases for optics,” saad pa niya.
Hinikayat naman ng Pangulo na magsumbong ang publiko sa webiste na sumbongsapangulo.ph dahil marami silang nakukuha na information ukol dito. | BChannel news