Tatlong lalaki ang nahuli ng Coast Guard District Southern Tagalog sa Barangay Malabrigo, Lobo, Batangas noong Nobyembre 7 dahil sa umano’y ilegal na pangingisda sa Marine Protected Area.
Ayon sa Coast Guard District Southern Tagalog, mabilis na kumilos ang Coast Guard Sub-Station Lobo matapos makatanggap ng impormasyon mula sa Bantay Dagat. Na-intercept nila ang isang motorbanca na gamit umano ang improvised air compressor sa pangingisda.
Ang mga suspek, taga-Barangay Wawa sa Batangas City, ay dinala sa CGSS Lobo para sa dokumentasyon at medikal na pagsusuri.
Sa pangunguna ng Investigation and Detection Unit–Southern Tagalog, kinasuhan sila ng paglabag sa Philippine Fisheries Code. Ang nakumpiskang huli at kagamitan sa pangingisda, na nagkakahalaga ng humigit-kumulang P62,700, ay naipasa sa Barangay Sawang alinsunod sa tamang proseso ng PCG at BFAR.
Ayon pa sa PCG, ang operasyon na ito ang dedikasyon ng Coast Guard sa pangangalaga ng yamang-dagat ng bansa at pagtupad sa utos ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na palakasin ang maritime law enforcement at protektahan ang ating karagatan. | BChannel news | 📸 Coast Guard District Southern Tagalog