Kalunos-lunos ang sinapit ng anim na pasahero at mahigit dalawampu ang sugatan matapos mahulog sa bangin ang kanilang sinasakyang bus sa Del Gallego, Camarines Sur nitong Biyernes ng madaling-araw, December 26.
Galing Cubao, Quezon City at patungong Gubat, Sorsogon ang bus nang sumadsad ito sa bangin sa kanang bahagi ng Rolando Andaya Highway sa Barangay Magais-I.
Ayon sa pulisya, posibleng nakatulog ang drayber at ang alternate driver na kapwa ngayon ay ginagamot kasama ng iba pang nasugatan.
Samantala, naglabas ng show cause order ang LTFRB laban sa bus company upang imbestigahan kung nasunod ang mga patakaran sa kahandaan ng mga drayber. | BChannel news