Arestado ng pulisya ang Rank 1 Regional Most Wanted Person na kinilalang si AAA sa Lemery, Batangas, kaugnay ng kasong panggagahasa, matapos ipatupad ang warrant of arrest laban sa kanya.
Ang suspek na 35 anyos, ay nadakip dakong alas-12:45 ng madaling-araw ngayong Enero 13 sa Barangay Matingain II, Lemery.
Isinagawa ang operasyon ng pinagsanib na puwersa ng Lemery Municipal Police Station at RID4A RIT Batangas, sa bisa ng warrant na inisyu ng Regional Trial Court Branch 86 sa Taal, Batangas noong Hulyo 6, 2023, na walang rekomendadong piyansa.
Gumamit ng alternative recording devices sa operasyon at pansamantalang nakapiit ang suspek sa Lemery Custodial Facility.
Ayon kay PCOL Sibalo, patunay ang pagkakaarestong ito ng tuloy-tuloy na pagtugis ng pulisya sa mga wanted at paalala na sa Batangas, walang takas. | BChannel news